Mainit na usap-usapan ngayon sa mga social media ng mga guro or social groups ang Bayanihan Act 2 na kamakaylan lamang daw  na  napirmahan ng pangulo. Sari-saring emosyon at komento naman ang maririnig natin galing sa mga guro na makikinabang dito, ngunit kung maraming guro ang nasisiyahan dito ay meron din naming mga hindi sumasang-ayon sa naturang pabor. 

Sisilipin at aalamin natin ang mga rason kung bakit kaya tutol ang ibang guro sa Bayanihan Act 2 kung saan ay makikinabang naman dapat sila dito.

1. IMBES NA MAKATULONG AY MEDYO MAS LUMALAKI DITO ANG BABAYARIN NG MGA GURO LALO NA YUNG MAY MGA LOANS SA PLI

Masarap sa tenga marinig na may pera ngunit sa bandang hulihan ay kawawa pa rin dahil nga meron naman interest yang 2 months na hindi pag kakaltas sa mga loans ng mga guro. Sa umpisa parang ang sarap na marinig na may madadala subalit kapag wala na at ubos na yung pera ay saka naman tatawag yung mga bangko na may interest ka palang babayaran doon sa dalawang buwan na yun.

2. MAY ARREARS SA GSIS AT ACCRUED INTEREST NAMAN SA PLIs

Ang sabi-sabi ay wala naman daw interest sa GSIS at extension lamang sa due date ng loan mo subalit pag tingnan mo ang files mo sa GSIS online ay mga arrears nga. Pero ang mas nakakatakot ay yung tawagan ka ng bangko kung saan ka nagloan at sabihing may babayran kang accrued interest daw dahil sa dalawang buwan na hindi pag kaltas nila.

3. MATAGAL PA MAKUHA ANG PERA NG IBANG GURO DAHIL SA ADJUSTMENT

Doon naman sa ibang may mga loan sa PLIs lalo na yung benenta na ang mga ATM, medyo matatagalan pa bago nila makuha ang pera nila dahil syempre mag aadjust ang naturang loaning agency at hindi nila kayang i-sabay ang pagpapadala ng mga pera sa kanilang mga kliyente. Ang iba pa nga ay kusa ng pupunta sa opisina para personal na kukunin ang kanilang pera.

4. MATAGAL NA NAMAN ANG REALEASE NG MGA PAYSLIP DAHIL SA ADJUSTMENTS

Matatagalan na naman ang pag release ng mga payslip kagaya nga ngayun ay hanggang June pa lamang ang payslip na naibibigay, wla din ang May payslip. Importante kasi ang payslip kasi dun binabase ng isang guro kung ano ang nakakaltas sa kanya at kung ano dapat ang gagawin nya kung merong mga kamalian sa pag kaltas. Medyo nakakabalisa talaga ang maghintay sa paylip kasi minsan may mga gusto kang itanong at hindi naman kayang sagutin ng bookkeeper ninyo dahil ang sasabihin maghintay nalang daw sa payslip. Payslip is life kasi, ang importante ng payslip para updated sa mga kaltas na minsan ay napapabayaan nalang.

5. MEDYO MATATAGALANG MATAPOS ANG MGA LOAN DAHIL MAY EXTENSION AT ADJUSTMENTS

Dahil nga may extension ay tatagal ang loan mo na e-eexpect mong matatapos na. Pero okay lang naman dahil hindi naman talaga ito masyadong problema. Yun nga lang dun sa PLIs ay extend din ang interest ay babayarin!

Lahat po ng nakasulat dito ay pawang experience lamang at ibinabahagi lamang dito kung bakit meron at meron talagang ayaw sa moratorium. Sa ibang bahagi naman ay nagpapasalamat ng lubusan ang mga guro dahil kahit papaano ay iniisip pa din ng pangulo na matulungan lahat ng mamamayan kaya niya ito pinirmahan. Siguro, ay adjust nalang din yung ibang guro at pagka tanggap ninyo ng sahod ay mag over the counter nalang siguro para hindi na kayo mapatawan pa ng interest na mas nagpapahirap sa sitwasyon ninyo. Malapit na ang Pasko kaya atin na lamang isipin na maagang pamasko ito para sa atin. Para-paraan nalang siguro tayong lahat para makaiwas sa interest para masaya lang ang lahat. - Clea | Helpline PH


Source: Help Line PH