May nakapag pindot sa akin na gawan ko daw ng reaction ang topic na ito, at sa title pa lang ay para ngang ayaw mag agree ng utak ko na ang “LET Exam ang Pinkamadaling Exam ng PRC” daw! Sa totoo lang, meron at meron talagang mga tao na siguro ay madali lang sa kanilang opinion ang pagpasa nito pero ang totoo, mahirap talaga ang LET exam at sa palagay ko lahat naman siguro ng exam ay mahirap lalo pag ikaw ang klase ng tao na hindi pokos sa review.  Ito ngayon ang reaction ko.

Para sa mga taong babasa nito at feeling ninyo ay madali lang ang LET, well masasabi kong wla talaga kayong alam at gaya gaya lang siguro kayo sa mga narinig ninyo sa iba. Siguro nga ay gusto nyong paniwalaan na madali lang ang LET dahil nga ang ibang hindi education graduate ay pumapasa dito. Ang masasabi ko lang ay lahat ng hindi education graduate na nag take ng exam ay dumaan muna sa masinsinang pag-aaral. Hindi naman sila pwedeng mag take ng exam kung hindi sila nakapag pa enroll sa bridging courses ng education at bago sila makapag pa enroll ay nag te-take muna ng entrance exam sa graduate school/studies para malaman kung kaya ba talaga nila  ang pagiging guro. Pagkatapos ng ilang semester na paghahanda at pagkuha nila ng mga education subjects at intindihin ang mundo ng edukasyon, dito na sila nag hahanda sa pamamagitan ng review upang maipasa nila nag exam ng PRC. Hindi rin madali ang review dahil pusposan ang pagbibigay ng mga inputs ng mga reviewer at minsan wla nang tulog sa kaka intindi lalo pa at maraming mga topic ang dapat isa alang alang dahil nga di naman sigurado talaga sa kung anong topic ang lalabas sa exam kaya dapat ay ma review lahat ng scope nito. Saan ngayun ang madali dyan? 

Madali lang kasi sabihin ng ibang tao na madali lang ang LET dahil siguro ay maliit lang ang tingin nila sa aming propesyun. Para siguro sa kanila ay mas mataas ang ibang klase ng exam katulad na lang ng sa mga abogado at engineer. Alam nyo, pantay lang lahat ng exam at lahat ng mga nagnanasang pumasa dito ay dapat may pokos talaga dahil kahit anong oras pwede kang bumagsak kapag hindi mo sineryoso ang review. Iba iba nga lang ang intensidad at pagkakadala ng mga review kasi syempre, iba iba din naman ang competencies na nakapaloob sa mga kurso. Iba sa mga abogado, inhinyero, mga medical expert at higit sa lahat sag mga guro. Kung sino man ang nagsasabing “bobo ka pag hindi ka pumasa sa LET dahil ay ang ibang hindi education graduate ay pumapasa” ay syang bobo dahil makitid ang kanyang pag-iisip at wlang kabulohan ang kanyang pahayag dahil naririnig lang siguro nya sa iba kahit wala naman basehan. Para sa iilan diyan na akala siguro madali lang talaga, wla na akong hawak sa utak ninyo. Pero bago kayo humusga, e baka gusto nyong makaranas muna para mismo sa mga sarili nyo masasabi nyong “ay ang dali lang talaga nito”. 

Iisa lang ang masasabi ko sa lahat ng exam ng PRC: Lahat ng exam ay mahirap depende sa iba’t ibang kurso. Mapa LET, BAR at pang engineer man yan, lahat ay pantay lamang. Mababa lang ang utak ng mga bumubuka ang bibig at puro lang satsat ngunit wala naman napatunayan.

Para sa mga gustong mag take ng LET, seryosohin nyo ang review at higit sa lahat, manalig sa Panginoon dahil kahit anong talino ng isang tao kung puro naman hambog ang pina-iiral, ay talagang wla pa din at minsan bagsak pa din sa exam! - Clea | Helpline PH


Source: Help Line PH