Kinumpirma ng kampo ni Jennifer Laude na nakapagbayad na si US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noon pang August 25 para sa “civil damages” matapos nitong paslangin ang nasabing Filipino transgender.

Ayon kay Atty. Virgie Suarez, noong 2015 pa inutusan ng korte na magbayad si Pemberton ng 4.5-M pesos sa pamilya ni Laude.

Sa isang dokumento makikita na inutusan ng korte si Pemberton upang bayaran ang mga sumusunod: 

PHP 4,320,000 representing the award for loss of earning capacity;

PHP 155,250 representing the award of actual damages

PHP 75,000 representing the award of civil indemnity

PHP 75,000 representing the award of moral damages and

PHP 30,000 representing the award of exemplary damages

Guilty sa kasong homicide si Pemberton matapos nitong tapusin ang buhay ni Laude noong Oktubre 11, 2014 sa loob ng isang motel sa Olongapo.

Noong Septiyembre 2 ay inutusan ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ang maagang pagpapalaya kay Pemberton dahil sa Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Ngunit hindi pabor ang kampo ni Laude sa nasabing desisyon ng korte dahil diumano’y hindi naman ito nagdusa sa loob ng kanyang selda kaya’t hindi ito maaring isama sa kanyang GCTA. Tinapos ni Pangulong Duterte ang usapan tungkol sa kaso ni Pemberton ng bigyan niya ng absolute pardon ang nasabing US Lance Corporal.

Ayon kay Pangulong Duterte ay hindi diumano trinato ng patas si Pemberton sa Pilipinas kaya’t naisipan niyang bigyan ito ng pardon.

“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” ani Duterte.

“So sabi ko kay Justice Secretary, Medialdea, pinatawag ko sila kanina, sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. We have not treated Pemberton fairly,” dagdag niya pa.

Kahit daw mismo ang kampo ni Pemberton ay hindi inaasahan ang pardon mula kay Duterte dahil hindi naman daw sila humiling nito sa Pangulo.

Ngayon daw ay nagbabalak ng bumalik sa pag aaral si Pemberton matapos ang ilang taon nitong pagkaka piit sa Pilipinas.



Source: Balitang Pinas