Binanatan ng isang agriculture advocate ang mga kritisismong ibinabato ng ilang netizen at politiko laban sa rehabilitasyon ng Manila Bay. Matatandaan na inulan ng batikos ang nasabing proyekto ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil pag lalagay nila ng dinurog na dolomite upang mag mukhang may white sand sa Manila Bay.

Sinagot isa isa ni netizen Marlon Gregorio Ganan ang mga pinaka popular na banat ng mga kritiko laban sa Manila Bay rehab....

Ayon sa kanya, kahit daw panahon ng pandemya ay hindi dapat itigil ang nasabing proyekto, lalo na’t inutos na ng Korte Suprema, ilang taon na ang nakararaan ang paglilinis nito.

Hindi rin daw diumano maaring ilipat basta basta ang pondo ng Manila Bay rehab sa ibang proyekto upang pakainin ang mga apektado ng kasalukuyang krisis dahil maaring maharap sa asunto ang gobyerno.

Himanon din niya ang mga kritiko na magpakita ng pag aaral kung saan mas delikado ang dolomite sa kalasugan kaysa sa mga basura na nakatambak sa Manila Bay. Naniniwala rin ito na hindi beautification ang nangyayari ngayon sa Manila bay kundi rehabilation.

Binanatan din ni Ganan ang mga nakikisali sa isyu at tinawag niya itong mga “talunan”.

“WHITE SAND”

“Tingnan natin ang mga hanash ah?”

“Hanash #1: “Bakit ngayon pa kung kailan may Pandemya? Ibinili na lang sana ng bigas o pagkain para sa mga mamamayang affected ng Pandemya!”

“SAGOT: Ang Rehabilitasyon ng Manila Bay ay nauna pa sa Pandemya. In fact, 2008 pa iniutos ng Supreme Court ang paglilinis at pagsasaayos ng Manila Bay!”

“Hey MAMARU, gusto nyo i-divert ang fund? Malversation of Public Funds yan! Clear Corrupt practices…na nakasanayan na ng Lumang Pulitika! SANAY NA SANAY EEH! PWEEEH!”

“Hanash #2: “Environmentally unsafe. Makakasama sa kalikasan at kalusugan ng tao ang pagtambak ng Dolomite (dinurog na bato upang mag create ng white sand effect).”

“SAGOT: Baka pwede ko pa tanggapin ang objection na ito. Pero sana, me back up na pag-aaral. Pag-aralan nga kung mas nakakasama sa kalusugan at kalikasan ang Dolomite KESA BASURA? Research-research din pag may time? WAG KUDA LANG!” “Hanash #3: “Gumastos ng milliones, beautification lang naman? Sinasayang lang ang buwis ng mamamayan!”

“SAGOT: Naku naman Tatang Erning, minamali ang isyu eh! Hindi “beautification” lang ang pakay.

REHABILITASYON ang unang layunin. Kasi DUGYOT ang mga lumang Pulitika sa bansa. Nahirati na ang bayan sa pagsinghot ng masangsang na amoy ng Manila Bay! MAGANDANG TANAWIN NA KASI SA IBA ANG mga naglulutangang BASURA sa Manila Bay!” 
“Ngayon, HINDI na tanggap ng iba na MALINIS AT MAGANDA NA ULIT ANG MANILA BAY! Para sa kanila, mas masaya kung DUGYOT NA LANG ULIT ANG MANILA BAY!” Umani ng 682 shares at 986 na reaksyon ang nasabing post ni Ganan.

May ilan namang netizen ang hindi napigilan na ibigay din ang kanilang opinyon tungkol sa nasabing isyu.

“Basta ako, bringing back the nature is priceless, how much was spend to restore it’s beauty doesn’t matter much to me, what matters to me most is that our next next generation would benefit the clean non polluted Manila Bay and enjoy the enticing scenery,” ani netizen Joyce Gutierrez.

“Kasi nkasanayan na daw in 30 years na basura ang tourism attraction ng Manila Bay..kaya masakit daw sa mga mata nila na wala na ung mga basura na nkalutang sa baybayin .. pareho sa knila na 30 years ding naging basura sa buong Pilipinas kaya d nila natanggap tanggap ang BEAUTIFICATION sabi nila na mangyayare kasi pati sila na mga basura matatabunan na rin..kumbaga nawala ung kredito sa kanila,” saad ni Isaac M. Ruth.

Kahapon lang ay ipinagtanggol din ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago ang nasabing proyekto. Kinuwestiyon ng opisyal ang pananahimik ng mga kritiko ngayon ng rehabilitasyon noong marumi pa ang Manila Bay.



Source: Balitang Pinas