Nagbigay ng pahayag si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary and Spokesperson Celine Pialago sa mga kritiko ng paglalagay ng White Sand sa Manila Bay.
Matatandaan na umani ng batikos ang proyekto ng Department of Environment and National Resources (DENR) matapos nilang maglagay ng White Sand na gawa umano sa dinurog na dolomite sa Manila Bay para sa pagpapaganda nito.
Sinabi din umano ng mga eksperto na hindi umano ito ligtas sa kalusugan ng mga tao ang dinurog na dolomite.
Ayon umano kay Celine Pialago, bakit noong puno pa ng basura ang Manila Bay ay wala umanong nagrereklamo at magmalasakit na magsalita at kung kaylan pinapagansa ay saka naman nila binabatikos ito.
"Bakit noong madumi ang Manila Bay wala ni isa ang nagmalasakit? Kahit na alam nating mas delikado sa kalusugan ang basura? Ngayong pinapaganda lahat nangingialam? Wow a! Just wow!"- saad ni Pialago.
Sinabi din ni Pialago na mas delikado umano sa kalusugan ng tao ang mga basurang nakatambak noon sa Manila bay.
"Mag cocomment ako, kasi MMDA ang isa sa mga ahensya na araw araw naglilinis ng basura ng mga balahurang Pinoy at mapanamantalang establisyemento, 30-45 trucks ng basura lang naman ang nakukuha namin noong wala pang rehabilitation sa Manila Bay."- dagdag pa nito.
Ayon pa kay Pialago na 2019 pa umano aprubado ang budget ng para sa paglalagay ng White Sand sa Manila Bay, kaya wag daw umanong ipilit na isinabay sa panahon ng pandemya.
"Saka pwede ba 2019 pa aprubado ang budget para diyan, huwag niyong ipilit na isinabay yan sa panahon ng pandemya."- pahayag ni Pialago.
Source: Balitang Pinas
0 Comments