I

Kamakailan lamang ay inulan ng batikos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay kasunod ng pagbubuhos ng puting buhangin doon.

Maraming mga kilalang personalidad at mga oposisyon ng gobyerno ang pumuna sa naging hakbang na ito, hindi rin nakaligtas ang adminitrasyong Duterte dahil mas inuna pa umano ito kaysa bigyan ng pagkain ang mga mahihirap.

Kaya naman hindi na nag-atubili ang alkalde ng lungsod ng Manila na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno’ Domagoso na magsalita at sagutin ang mga binabato ng mga kritiko tungkol sa proyektong ito.

Ayon pa kay Moreno, hindi umano basta-basta mapapahinto ang ginagawang proyekto na ito sapagkat matagal na ito na proyekto upang mapaganda ang syudad.

“We cannot just strike dow a valid contract without violation of anything under the provision of that contract. Hindi naman maganda iyon, magiging masamang ehemplo ang gobyerno…” ayon pa sa alkalde ng Manila.

“As long as it is not proven na ito ay nakakapaminsala, the city of Manila, in our own little way, are grateful to DENR,” dagdag pa nito.

Hinikayat rin ng alkalde ang mga bumabatikos sa proyektong ito at gustong ipahinto na dapat ay mag latag sila ng factual basis para sa kanilang apela sa nasabing proyekto.

“Pwede naman eh (na umapela). Pero if you go into an appeal, you must have a factual basis.” saad pa ng alkalde.

“Importante iyon kasi always remeber, hindi ito pinagkaila ng DENR when they started doing it. And it’s been there for almost 2 years, going 2 years,” dagdag pa nito.


WATCH: Pahayag ni Isko Moreno sa paglagay ng white sand sa Manila Bay
WATCH: Pahayag ni Manila City Mayor Isko Moreno kaugnay sa apelang ipahinto ang paglalagay ng puting buhangin sa Manila Bay. Aniya, dapat may "factual basis" ang mga umaapela. | via Isa Avendaño-Umali/Super Radyo DZBB 594khz
Posted by GMA News on Sunday, September 6, 2020



Source: Balitang Pinas