Miyembro ng Hashtag na si Nikko Natividad, hindi napigilan na magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng absolute pardon si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. Si Pemberton ang tumapos sa buhay ng Filipina transwoman na si Jennifer Laude noong 2014.

Matatandaan na kinagulat ng lahat ang desisyon ni Pangulong Duterte na bigyan ng pardon si Pemberton kahit hindi diumano ito hiniling ng kampo ng nasabing sundalo.

Sa isang post ay sinabi ni Natividad na dapat ay i-pardon nalang daw lahat ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga nasa piitan dahil baka daw magselos ang mga ito.

“Na-PARDON daw? Aba, i-pardon n’yo na lahat ng nand’yan [sa bilangguan]; kasi baka magdamdam ‘yung ibang nakakulong [at] magselos. [Baka] sabihin, may favoritism,” saad ni Nikko.

Hindi lamang si Nikko ang artista na binatikos ang desisyon ni Pangulong Duterte. Matatandaan na kahit si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay hindi naitago ang pagkadismaya sa desisyon ng Pangulo at hinimok pa nga niya ang mga netizens na magpa rehistro para sa eleksyon sa 2022.

Isa si Nikko sa mga artistang kritiko ng gobyerno at minsan ay nakikipagpalitan pa ito ng salita sa mga taga suporta ni Pangulong Duterte. Matatandaan na nung isang buwan ay nawalan si Natividad ng apat na milyong piso dahil sa siya ay naloko ng isang investment scam.

“Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala,” ani Natividad.




Source: Balitang Pinas