Naging matunog at maingay ang shared post tungkol kay Menggay. Sa nasabing post ay sinabi kung paano natupad ang mga simpleng mga tweets nito.

Ayon kay Maine Mendoza,

"Law of attraction. ✨ 


At (siguro) kung para sayo talaga ang isang bagay, anuman ang mangyari mapapasayo ‘to. Minsan gusto natin andyan agad-agad, pero talagang may tamang panahon para sa lahat ng bagay, kaya dapat matuto tayong maghintay. 😊


Minsan medyo matagal pero pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako cheret makakamit mo din yan. Nakakapagod man (at nakakainip) minsan pero huwag mo bitawan. Patuloy kang mangarap at maniwala pero shempre matuto din tayong tumanggap ng mga bagay na hindi para sa atin.

Mararamamdaman mo naman kapag hindi talaga para sayo ang isang bagay, pero hindi ibig sabihin non ay wala na tapos na. Merong ibang bagay na nakalaan para sayo at sana kapag dumating na yung tamang oras para doon ay buong puso mong tanggapin ‘yon sa buhay mo. 😊"




Ibinahagi ito ni Maine upang maging inspirasyon sya sa mga nangangarap na makamit balang araw ang mga pinapangarap nila.

Pero pinuna parin siya ng iilang kritiko na rila nagyayabang umano ito dahil may narating na ito.

Agad-agad itong binweltahan ni Menggay at nagtweet bilang reaksyon sa punang ito ng ilang netizens.

"Hindi po sa pagmamayabang it's just to inspired other people na magpursigi sa buhay at kung hindi man para satin ang isang bagay matuto nating tanggapin iyon at isipin naten na may magandang nakalaan para sa atin."







Source: Broze Channel