Ikinalungkot ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang kanyang natuklasan matapos mag leak ang isa sa mga pahina ng kanyang private blog.

Ayon sa post ng isang twitter netizen.


Matapos kumalat ang tweet na ito ay madaming taga hanga ni Maine ang nakisimpatya sa kanya. Ngunit mas marami ang naiinis at sinagot ang nasabing tweet sabay akusa kay Menggay ng ganito.


Ang sabi ni @dEnise0o0,

"being part of ADN was such a positive experience for me, too bad u dont see it that way. hope u find ur own happiness and light @mainedcm"

Agad naman itong sinagot ni Menggay at hindi napigilan na maglabas ng hinanakit at sama ng loob sa ADN. Narito ang kanyang mga sinabi.

"?? Seryoso itong tanong.. saan po ito nanggaling?"

"Nakita ko ito, gets ko.. na hindi. Honestly hindi ko alam kung bakit lagi kayong galit sa akin kahit hindi naman ADN ang tinutukoy ko sa mga sinusulat ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga kung alam bakit iniisip niyo na laging patungkol sainyo yung mga sinasabi ko kasi hindi naman."


"Hindi ako nagkulang sa pasasalamat sa lahat ng suporta at pagmamahal mula simula. Lahat ng ginawa niyo sa akin naappreciare ko at sinubukan ko yun suklian sa paraang kaya ko. Di ko talaga maintindihan bakit hanggang ngayon may issue pa din?"



"Bakit hindi nalang tayo mamuhay ng payapa lahat? Suportahan nalang ang gustong suportahan? Kailangan lagi may panunumbat at labasan ng sama ng loob? Sana dumating ang araw na tuluyang mawala ang galit niyo sa puso, kasi mabigat yan. Huwag niyo na ako pag aksayahan ng panahon."


"Habambuhay akong magpapasalamat sa mga sumuporta/nagmahal at sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal – ADN man o hindi. Nirerespeto ko yung umalis at yung mga nanatili. Pero sana doon sa mga umalis, hayaan na sana natin ang isa’t isa. Wag na pairalin ang “galit” sa puso."


"Masaya ako sa buhay ko ngayon, walang halong echos. Sana kayo din. 😊 Hope you find your own happiness and light as well. At muli, maraming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal na binigay niyo. ♥️"


Dahil sa inilahad ni Menggay tila ipinapahiwatig nito sa mga ADN na mag move on na ang mga ito at maging masaya na lamang sa kung ano ang kinahinantnan ng dating AlDub Phenomenon.

Patuloy daw ang pasasalamat ni Maine sa mga nangyari sa buhay nya. Sa huli tinapos nya ang kanyang mahabang tweet na sanay mahanap daw ng ADN ang tunay na kaligayahan at kaliwanagan. 





Source: Broze Channel