Nabuksan ang isang topic tungkol sa posibleng pag tambalin sina Teen King Daniel Padilla at Phenomenal Star Maine Mendoza.
Ayon sa scoop na aming nakalap ay inaasahan na matutupad ang nasabing dream project para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Kung magkakataon ay isang kakaibang pelikula ang ating matutunghayan gaya ng ipinakitang napaka gandang performance ng kanilang mga ka loveteam na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Inaasahan din na tatabo ito sa takilya gaya ng nangyari sa "Hello Love, Goodbye" na naging blockbuster at nang maglaon ay naging record breaking ang kinita nito sa loob at labas ng bansa.
Sa ngayon hindi muna masyadong inihayag ng aming source kung matutuloy ito dahil ayon sa kanya ay plano palang ito ng mga producers.
Samantala habang ito ay nasa plano pa lamang agad namang nagpakita ng pagsuporta ang AlDub Nation sakaling matuloy nga ang proyekto para MMFF 2020.
Source: Broze Channel
0 Comments